Thursday, September 25, 2008
langit lupa (part 2)
Hindi naman umuulan ngayon pero parang part ng kahapon ang nangyari ngayong umaga. Every Thursday we go to church early in the morning. 6:00 am to 7:00 am ang pagsamba kaya naman 4:00 am ay gising na kami ni mama at ni Maika. Madalian lahat pag thursday ng umaga, pagluluto, ligo, at pagkain. May regular routine ang tyan ko pag umaga katulad ng karamihan, regular ito lalo na pag umiinom ako ng kape pagkatapos kumain ng almusal at ganun din ang ginawa ko kanina ngunit dahil sa madalian nga ang lahat ay hindi ko nagawa ang dapat gawin dahil dapat ligong bata lang, tipong kulang sa sabon at puro banlaw...hehe. Umpisa pa lang ng pagsamba nangyari na ang hindi dapat mangyari, sumasakit na ang tyan ko at hindi lang pala ako pati ang tyan ng kapatid ko! At dahil hindi nga akma ang mga pangyayari, ay matagal ang texto at huli ang upuan namin sa paglabas. Talaga naman kung kelan ka nagmamadali dun ka pinatatagal..hehe. Ang malupit kelangan namin mag unahan sa cr pag uwi sa bahay!...haha, at sa kasamaang palad ay talo ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)

No comments:
Post a Comment