Monday, October 20, 2008

pancit canton at hot pandesal

Totoo na for every action there is an equal and opposite reaction. Dahil malungkot ang post ko last time, eh masaya naman ang post ko ngayon. Gabi gabi kami magkakasama nila mama dahil tabi tabi kami matulog sa sala. Parang usual Sunday night lang gabi pero may ibang ambiance or should I say level of happiness. Nanonood kami ng tagalized na My Little Bride (Korean Comedy) sa channel 11. Kakagaling ko lang ng kapilya at may dala ako na pancit canton at mainit na pandesal. Sa taas na kami kumain dahil manonood nga kami ng tv. Simple lang yung palabas, pero ibang klase ang comedy kaya naman we really laughed our hearts out, kami nila mama at Maika. Dumating si papa galing din ng kapilya, may dalang ulam. Sa mga hindi nakakakilala sa tatay ko, isa syang makulit na tao, yun lang. Pinaparinig nya talaga kagabi na may dala syang ulam para bumaba kami at sobrang pag ka exaggerate nya ay alam namin na kinukusot lang nya yung plastic para mag mukang marami syang nilalabas na pagkain...hahaha. Ang hindi nya alam kumakain na kami sa taas...hahaha.

Kahit na madalas kaming kapos at madalas din nagrereklamo sa kung anong meron kami, yung mga ganitong pagkakataon ang hindi ko kayang palampasin at ipagpalit, yung simpleng tawa mula sa puso at yung panahon na alam nyong kumpleto pa rin kayo sa kabila ng lahat lahat.

Masaya pag pamilya mo ang kasama mo hindi lang sa hirap lalo na sa saya at tawanan.

3 comments:

  1. Hay Neng, korek ka jan, pamilya at pamilya mo rin ang hahanapin mo eh at shang hahanap sayo, di mo man sila maisip hanapin. Hehe.

    ReplyDelete
  2. neng, panoorin mo yung My Little Bride, promise nakakatawa...haha.

    pamilya lang talaga...

    ReplyDelete
  3. i agree fall back tlg ung family... amen!

    ReplyDelete