Dumalaw kami sa anak ni Dai kahapon. Sayang lang dahil katulad ng dati hinde na naman kumpleto ang Stowkies. Hirap talaga pag meron na kanya kanyang inuunawa. Yung pamagat pala ng blog ko ay pangalan ng anak ni Dai, Dylan Thomas pinaghalong Bob Dylan at Rob Thomas, ay St. Thomas pala...hehe.
Nakakamiss ang hayskul barkada. Sila kasi yung mga taong kabisado mo na at hindi mo na kelangan mangapa, sila yung mga taong kaya mong ilabas and pinaka panget mo na ugali pero dedma lang sila, sila yung mas kilala mo pa sa kapatid mo na kasama mo sa bahay araw araw.
Nagkita kami ni Fatima sa Jollibee Kalentong at pagdating ko dun, parang bumalik lahat ng mga nangyari nung hayskul, lahat ng kalokohan, lahat ng hirap, lahat ng away, at lahat ng mga kaibigan. Walang nagbago sa lugar, ganun pa din ang amoy, yung mga tindahan lang sa paligid ang nagbago, pero yung Jollibee nung hayskul kami yung pa din, mga gwardya at trabahador lang ata and nagbago.
Sana mas maging madalas pa ang pagkikita namin ng Stowkies dahil sa totoo lang, sobrang miss ko na ang mga taong ito.
Monday, January 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)

Kame ng mga high school friends ko.. Mejo madalas kame magmeet. Kasi mallit lang nman ang area ng Las Pinas. Hehehe!
ReplyDeleteNde ren kame nakukumpleto everytime me reunion. Minsan pa nga naiindian ko sila.
Masaya nman sila makita.
Mas masaya kung madami magpakita