Thursday, September 25, 2008

blog dito, blog doon

Natutunan ko na mahalaga ang pagiging simple nang ma discover ko ang blog ni Batjay. Nalaman ko ang Occam's Razor at KISS (keep it simple stupid). Simple ang blog na ito kaya naman hindi mahirap basahin at intindihin kaya rin marami ako napupulot na aral tungkol sa buhay.

Isa rin sa mga natutunan ko ay kung ano dapat ang laman ng isang maayos at makabuluhang blog..hehe. Ang sabi nya dapat entertaining at kapupulutan ng information ngunit hindi naman dapat deep. Yun ang isang kong pagkakamali, gusto kong maging deep ang blog ko, hindi ko na realize na baka pati ako hindi ko maintidihan kung magiging deep ang mga post ko at malamang hindi na rin ako yung nagsusulat...hehe.

Ang purpose ko talaga bago ako mag simula ng blog eh ma practice ang aking English at maging isang taong deep...hehe. Hindi rin nangyari kasi kulang ang vocabulary ko at hirap ako sa sentence construction at isa pa kulang din ako sa mga ideas. Usually ang nangyayari nag iisip ako ng isusulat or ng translation ng nasa isip ko, ending nawawala yung idea ko..hehe.

Hindi ito ang unang blog ko, gumawa na rin ako dati dito sa blogspot kaya lang ndi ko maayos, gusto ko kasi nun maraming kung anu anu eh hindi naman ako masyado maalam sa mga links links na yan kaya nung tumagal, dinelete ko na lang yung site. Gumawa ako ng second blog sa multiply. Ayos din yun kasi madali lang i-manage ang blog dun kaya lang hindi naman ako makapagsulat ng mga rants ko kasi takot ako sa comments ng ibang tao, at conscious din ako sa pagsulat ko dahil in English ko na naman isinulat. At eto ang pangatlo kong blog na hopefully ay tumagal at ma-manage ko ng maayos.

Ang goal ko dati ay mag vent out lang ng mga rants at mga emotions na hindi ko kayang sabihin sa ibang tao, pero dahil sa Kwentong Tambay, narealize ko na mas marami pang bagay ang pwedeng isulat dito at hindi lang mga hinanakit ko sa buhay, mas maganda kung optimistic most of the time dahil syempre hindi pa rin naman maiiwasan na magsulat tungkol sa mga bagay na kinaiinisan ko na hindi ko kayang gawan ng paraan kaya isusulat ko na lang.

Be ready para sa bagong A BORED MIND, hehehe.

2 comments:

  1. Yes, excited na ako jan chong!

    Sa totoo lang, tagal ko na ring gusto i-try mag tagalog sa blog pero wala lang, magulo lang talaga ako. May pagka-OC kasi ako. Na kapag english, english na. Kung tagalong, tagalog. Kapag halo, parang di na okay kasi di na organized. Hehe. Si Batjay kasi, ayos na inspirasyon din, kaya nga dami nya readers kaya lang... ewan ko ba, alam ko mas magiging AKO si ako kapag nagtagalog ako eh. Sus, ako pa, jologs ng bibig ko. Haha.

    ReplyDelete
  2. ako din neng excited. hahaha, eto na! eto na! aaaahhhh...

    ReplyDelete