Wednesday, November 5, 2008

and the world has a black president

Election ngayon sa US at si Barak Obama ang elected president. Napansin ko na hindi Game KNB or Wowowee ang palabas sa tv sa pantry, nasa CNN ang palabas and everyone is waiting for Obama's speech. Parang hindi lang sya ang presidente ng US kundi ng buong mundo, siguro dahil considered ang US as the trend setter. Actually wala naman talaga ako interest sa politika kaya siguro hindi rin ako well informned at nakikisakay lang ako sa kung ano man ang pinapanood nila sa tv.

Ano nga ba ang magiging epekto sa buhay ko pag nalaman ko kung sino ang magiging presidente ng US? Hindi ko alam. Graduate ako ng Bachelor of Science in Commerce major in Economics, supposedly may alam ako sa mga bagay tulad ng finance at politics, unfortunately, wala. Dahil nga hindi naman talaga ako politically opinionated and hindi rin ako mahilig maki pag argue sa mga taong ayaw magpatalo. Lagi lang akong nasa grey area, walang kailangang i-defend, hindi complicated at simple. Ganun lang ang gusto ko. Isa pa, hindi naman business course ang gusto ko. Gusto ko talaga ay course na magagamit ko ang pagka artistic ko, hehe. Para lang akong yung normal na tao na makikita mo pag nagco-commute, pag tinanong mo about politics hinde makasagot.

Kung ano man ang magiging epekto ng pagkapanalo ni Obama sa US, sa Pilipinas, o sa buong mundo, sana lang para sa ikabubuti ng lahat.

No comments:

Post a Comment