Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ana bilis ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako. Ang lakas ng loob ko na maghanap at handang handa ako na mambugbog pag nakita ko sya.
Ganun pala yung pakiramdam pag pamilya mo ang dehado.
Umuwi ang nag iisa kong kapatid na babae kagabi na humahagulgol ng iyak. Nanginginig nyang kinuwento na may lalakeng nambastos sa kanya habang naglalakd sila ng mga pinsan ko pauwi ng bahay kagabi.
Ibang galit yung naramdaman ko. Gusto kong makita yung lalake, gusto ko sapakin, tadyakan, hambalusin hanggang sa mamaga ang busong katawan nya dahil sa pambubogbog. Bayolente. Lumabas yung ugaling kanto ko.
Inikutan ni Papa at mga kasama nya yung lugar namin dahil maliit lang naman at makikilala naman ng kapatid ko yung lalake. Inikutan ko din yung lugar namin, tumatakbo, nalalakad, tumatakbo.
Maaaring naging sobra ang reaksyon ko pero sa tingin ko tama lang yun. Kahit na lumipas ang mga araw, pagnakita namin yung lalakeng yun hindi ako magdadalawang isip na mangbugbog. Hahabulin ko sya hanggan maabutan ko.
Lintik lang ang walang ganti.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)

chong.. anu nangyare?
ReplyDeletenext time..sabihin mo sa sis mo na tigasan nya ung mukha nya.. if she looks gullible outside, chances are madami magnbastos sa kanya?
be toughie?!!!