Friday, February 13, 2009

takbo lang ng takbo

Nakakapagod tumakbo pero pag hindi mo namamalayan na halos kinse minutos ka nang diretsong tumatakbo ang sarap ng pakiramdam.

Tumakbo ulit ako nung Miyerkules at masaya ako dahil naabot ko ang inaasam kong oras na kinse minutos. Ang balak ko kasi ay dagdagan ng limang minuto ang haba ng takbo ko bawat gabi. Ang sarap ng pakiramdam na tuloy tuloy lang ang pagtakbo mo sana lang hindi lang ako paikot ikot sa park baka sakaling malayo layo na rin ang narating ko.

Naisip ko, magawa ko kayang umuwi ng bahay ng tumatakbo lang? hindi kaya ako mag mukang tanga? tumatakbo na may backpack at office bag?

No comments:

Post a Comment