Wednesday, September 24, 2008

langit lupa

May mga araw na parang pinagtakluban ka ng langit at lupa. At yan ang nangyari sa akin kaninang umaga pagpasok ko sa opisina. Lumabas ako ng bahay ng 7:45 am, maliwanag ang ulap pero mahangin, lahat ng dumadaan na jeep ay puno. Nakasakay ako ng 8:15 am at pag sakay ko ng jeep ay unti unting dumilim ang langit na parang nagbabadya ng malakas na ulan. Ang usual na 15 mins travel ko ay ngaing 45 mins dahil sa traffic. 9:00 am, nasa Makati Ave. na at bababa na ako. Saktong sakto na inintay ako bumaba ng jeep bago bumuhos ang malakas at malalaking patak ng ulan. Basa agad ang pantalon at likod ng blouse ko. Tumawid ako sa kabila at sumilong sa North Park, pagkatpos ko mag tupi ng pantalon para hindi naman mashado pa mabasa eh sya naman tigil ng ulan. Ang galing diba? pwede naman umulan habang nakasakay sa jeep at tumila pagbababa na ako, pero hindi binasa lang ng ulan ang laylayan ng pantalon ko na syang dahilan kung bakit lamig na lamig ako sa office.

2 comments:

  1. neng, minsan talaga nakakatawa ang mga timing ng mga bagay-bagay eh.

    ps. lam mo, matagal ko na ring gustong magtagalong sa blog. la lang, di ko magawa pa.

    ReplyDelete
  2. sobrang gulo ng mga pangyayari..hehe at sobrang lamig na lamig ako nun.

    ps. mas naging makabuluhan ako nung nag tagalog ako...hahaha

    ReplyDelete