Tuesday, September 23, 2008

sariling wika

Marami akong nakuhang blogsite mula kay Ella at isa na dito ang Kwentong Tambay. Matagal na itong blog na ito dahil college pa lang eh alam na ni Ella ito at meron na rin itong published na libro..hehe. Since ngayon ko lang nadiscover ang mundo ni Batjay and Jet masasabi ko na na-entertain ako at na impluwensiyahan kaya nakasulat sa tagalog ang aking post ngayon.

Aminado ako na mas madaling i-express sa sariling wika ang mga naiisip at nararamdaman kaya lang gusto ko talagang ma-develop ang pagsulat ko sa wikang banyaga. Hindi naman sa gusto kong talikuran ang sariling wika, kundi gusto ko lang talaga matuto magsulat sa wikang Ingles. Matagal ko na itong frustration...hehe

At simula ngayon ay alternate na ang pagsulat ko ng Ingles at Tagalo..sana..at magigiging mature na rin ang tema ng mga sinusulat ko at hindi puro hinanakit...sana.

Narealize ko lang, ang sarap mag sulat sa Tagalog.

No comments:

Post a Comment